Keyomi!

Maaaring makakita kayo ng pangalan na “Yomibear”, “Yomi” , “Mahal” o “Zaldy” sa mga posts ko kaya ipapakilala ko na siya!

TL (team leader) ko siya nun sa pangalawang company na pinasukan ko. Napakahirap ng account (telco, alam na this!) , yung tipong takot na takot ako sa bawat tawag na matatanggap ko kasi nahihirapan talaga ako masolusyunan problema nila. Sabi ng ibang kilala ko na matagal na doon, napakaswerte ko raw at kay “TL Yomi” ako napunta. Isa raw siya sa pinakamababait na supervisor sa account na yun. Sa unang tingin, mukhang isnabero, suplado at walang tiyaga sa mga tao sa paligid niya. Pero nung nakausap ko na siya nag iba naman lahat. Mabait naman pala. Hanggang sa nairaraos ko ang bawat araw kahit hirap na hirap na ako dahil sa tulong niya.

Sabi ko nga nun “Kung hindi lang siguro siya ang TL ko, baka umalis na ako dito.” Linya ko palagi kapag kinakamusta ako. Hanggang sa tumagal, nakilala ko siya ng husto. Hindi naging maganda ang simula ng lahat sa amin. Malabo talaga pero unti unting naging maayos kasi nagtiwala kami sa isa’t isa. Nagtulungan kami. Araw-araw, gabi-gabi, kain dito, kape doon. Kwento dito, tawa doon. Sobrang saya ng bawat minuto na kasama ko siya. Hanggang sa nagtagal at nakilala ko siya ng lubusan. At ngayon na magkasama na kami sa iisang bahay, lalo ko pa siyang nakikilala at lalo kong minamahal.

Siya kasi yung tipo na kahit ipakita ko yung totoong ako, wala siyang pakialam. Malaki ang agwat ng edad namin pero hindi ko naramdaman yun sa pagsasama namin. Na kahit minsan ang lame ng jokes ko, natatawa pa rin siya. Na kahit minsan, wala ako sa sarili ko o lutang, ayos lang, kaya niya mag-adjust makasabay lang sa akin. Siya pa lang yung natatanging kinakaya lahat ng mood swings ko. At nako naman, napakahaba ng pasensya niya. Minsan kahit anu-ano ng nasasabi ko, tatahimik lang siya, hahayaan akong maglabas ng sama ng loob, at mamaya lang kundi ako yayakapin, may dala ng paborito kong pagkain. Na kahit ano kaya kong sabihin at ikwento sa kanya na walang iniisip na baka i-judge niya ako ng dahil lang doon. Sobrang prinsesa ako sa kanya. Kaya naman din siguro nagustuhan siya ng pamilya ko. Nakikita ko nga minsan ang tatay ko sa kanya. Pareho silang mabait, matiyaga at maintindihin.

Naalala ko minsang nag-away kami ng mama ko, sabi niya sa akin “Sa ugali mong yan, sana makahanap ka ng katulad ng papa mo na napakamaintindihin.”

Ma, nahanap ko na po, dumating na po. Hehe. 🙂
Kaya naman minsan, yung mga simpleng bagay na pwede kong gawin para sa kanya ay ginagawa ko kahit ayoko talaga. Katulad ng pagluluto, gusto ko taga-kain lang ako. Pero pinilit kong matuto para may maihanda ako sa kanya bago man lang siya pumasok. Kahit magkasugat ako kakahiwa, walang problema, mailuto ko lang mga gusto niyang ulam. Kahit ilang beses ako mapaso, walang kaso basta may kanin siya. Ang pagtimpla ng kape sa kanya, kahit ba 3in1 yun, hinalo ko ng may kasamang buong pagmamahal ko yun. Odiba? Ang tupiin ang mga damit niya, salubungin siya sa pinto sa pagdating niya. May yakap agad siya mula sa akin, alam ko kasi na-stress yun sa trabaho. Pero hindi ko na nagagawang salubungin siya sa pagdating niya, anong oras na kasi ako nagigising nitong mga nakaraang araw. Ganunpaman, walang kaso yun. Siya naman nakikita ko pag gising na pag gising ko eh.

Sa wakas may naidagdag na akong magagandamg kwento sa blog na ‘to.

Isusunod ko na rin mga adventures namin. (Nung nagpunta kaming Baguio)
Ewan ko ba at kung anong swerte o nagawa ko para magkaroon ng blessing na katulad niya. At isa pa darating na yung blessing naman na para sa aming dalawa, si Anastasia. Sigurado akong magiging mabuting daddy siya.

PhotoGrid_1445701768130[1]

Sabi nga sa kanta ni Yeng Constantino…

“Ikaw ang pagibig na binigay sa akin ng Maykapal, biyaya ka sa buhay ko…”

keooo

Advertisements

2 thoughts on “Keyomi!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s